900, 694 na pamilya sa Camarines Sur, nasa waitlisted ng 4Ps program ng DSWD Bicol, matapos maantala ang pagpaparehistro sa mga bagong benepisyaryo

NAGA CITY – Nasa 900, 694 na pamilya sa Camarines Sur, ang napabilang sa waitlisted ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD, matapos na maantala ang pagpaparehistro sa mga bagong benepisyaryo ng programa.

Sa panayam kay Harry Jay Daet, Social Welfare Officer IV Provincial Link, SWAD CamSur,  ang mga pamilyang ito ay sasailalim sa assesstment at balidasyon para sa mga potensyal na benepisyaryo, matapos na mai-anunsisyo na sapat na ang bilang ng mga benepisyaryo sa target na resulta ng pagsasagawa ng assessment gamit ang Social Welfare and Development Indicator (SWDI) tool ng ahensya.

Kung saan maghihintay sila sa proseso kasama ang pag-update ng kanilang mga Municipal Link.

Samantala, nasa 130, 611 sa probinsya ang kasalukuyang kabilang sa programa.

Dagdag pa ng opisyal, upang makasai, kailangan na kasama sa Standardized Targeting System, kwalipikado bilang poor households sa LISTAHANAN 3, may miyembro ng pamilya na nasa 0-18 ang edad, willing na magkomply sa mga kondisyon ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *