903rd Brigade, muling ginawaran bilang 9ID’s Best Brigade

Muling iginawad sa 903rd Infantry ‘Patriot’ Brigade ang ‘Best Infantry Brigade’ para sa CY 2023 ng 9th Infantry ‘Spear’ Division sa ginanap nitong 19th Founding Anniversary sa headquarters sa Camp Elias Angeles, Brgy San Jose, Pili, Camarines Sur.

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News, ito na ang ika-4 na pagkakataon na ginawaran ang nasabing brigade bilang Best Infantry Brigade sa magkasunod na taon ng 9ID mula noong 2020.

Ang ‘exceptional performance’ at dedikasyon sa kanilang misyon ang walang dudang naging dahilan para muling masungkit ng naturang brigade ang nasabing pagkilala.

Sa kabilang banda, binigyan din ng parangal ang 2nd Infantry ‘Second to None Battalion bilang Best Infantry battalion para sa CY 2023 sa pamumuno ni Ltc Orlando Ramos Jr.

Ang 2IB na nakabase sa lalawigan ng Masbate ay nasa ilalim ng 903rd Brigade na nakabase naman sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *