91-anyos na lola, patay sa aksidente sa Atimonan, Quezon

Patay ang isang lola matapos masalpok ng sedan ang sinasakyan nitong tricycle sa Barangay Angeles, Atimonan, Quezon nitong Huwebes, Marso 7.

Ayon sa report, magu-u-turn umano noon ang tricycle na minamaneho ni alyas “Fernando”, nang masalpok ang sidecar nito ng sedan na minamaneho ni alyas “Stephen”.

Sa lakas ng impact, binawian ng buhay ang 91-anyos na sakay noon sa tricycle matapos umano nitong tumilapon.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *