93.12% coverage rate sa COVID-19 vaccination naabot na ng Camarines Sur

NAGA CITY- Umabot na sa 1, 330, 381 ang bakunado laban sa COVID-19 sa Camarines Sur, ang bilang ang 93.12% nang target population na mahigit 1.4 milyon.

Sa target naman na mahihit 1.2 milyon mahigit 976K pa lamang ang fully vaccinated.

Kapansin-pansin na kakaunti na ang nagpapabakuna sa mga itinalagang vaccination site base na rin sa report ng mg Health Offices pero ang Department of Health (DOH) hindi pa napapatid ang paghikayat sa publiko na magpabakuna. 

May mga nakukumbinsi  pa sa information drive pero may mga hindi na tulad ng 39-anyos na si  Richa Padre ng Calabanga, Camarines Sur.  Sinabi nito sa Brigada News FM Naga na may sakit siya sa puso at may pulmonary disease rin, sa tingin niya aniya ay hindi ito makabubuti sa kanya.

Sa kabila nito sinabi niya namang bakunado ang mga kasama niya tulad ng kaniyang amang barangay official.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *