$95 billion na aid package para sa Ukraine, Israel, at Indo-Pacific region, aprubado na

Inaprubahan ng US House of Representatives $95 billion legislative package na nagbibigay ng tulong sa seguridad sa Ukraine, Israel at Indo-Pacific Region sa kabila ng mangilang pag-tutol ng mga Republican na mambabatas.

Magpapatuloy na ito sa Senado, na nagpasa ng katulad na panukala mahigit dalawang buwan na ang nakalipas.

Nakatakda itong maipasa ngayong linggo, na magbibigay daan para mapirmahan ito ni US President Joe Biden bilang batas.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy, na ngasasaibing patuloy na gumagawa ng kasaysayan ang mga mambabatas sa Amerika.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *