Local News

95% ng mga sakahan sa Sorsogon, irrigated na – NIA Sorsogon

Kinumpirma ng National Irrigation Administration (NIA) Sorsogon na halos lahat ng mga sakahan sa lalawigan ay maayos na nabibigyan ng serbisyo ng kanilang mga irigasyon.

Sa panayam ng Brigada News kay NIA Sorsogon Acting Engineering and Operation Sector Head Engr. Jerwin Rois Nopre, sinabi nito na nasa 95% na ng mga sakahan sa buong lalawigan ay irrigated na o mayroon nang mga patubig mula sa mga irigasyon.

Ito din anya ang dahilan kung bakit patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa mga dam sa iba’t ibang bahagi ng probinsya upang matiyak na nakakapagbigay ito ng sapat na supply ng tubig sa bawat ricefield lalo na sa panahon ng tag- init.

Kinumpirma din nito na ngayong 2023 ay mayroon silang nakalinyang pitong proyekto kabilang na rito ang repair ng irrigation system sa  bayan ng Bulan.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago