Local News

Gov. Tamayo, may sagot sa panawagan na ipahinto ang coal mining operation


KORONADAL CITY- MAPAPAHINTO lamang ang coal mining operation sa Barangay Ned, Lake Sebu kung may maisampang kaso sa korte at kung makitaan ng mga bayolasyon sa kanilang operation ang San Miguel Corporation o SMC.


Ito ang sagot ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa apela ni Bishop Cerilo Casicas ng Diocese of Marbel kasama ang ilang grupo at mga residente sa lugar na ipahinto ang pagmina sa Barangay Ned.


Ayon kay Tamayo na hindi na basta-basta mapapahinto ang naturang kompanya dahil binigyan ito ng endorsement ng mga dating miyembro ng Sangguniang Panlalawigan o SP at naisyuhan na rin ng permit ng national government.


Aniya, hindi dumaan sa kanyang opisina ang nasabing resolution.


Binigyang diin ng gobernador na sana noong tinatalakay pa lamang ito ng SP at hindi pa naaaprubahan ay nag-ingay at nagsagawa na ng rally ang mga kumokontra dito katulad ng mga isinagawang kilos-protesta laban sa operasyon ng Sagittarius Mines Incorporated o SMI.


Inihayag ni Tamayo na siya lang ang nag-ingay noon tungkol sa coal mining operation.


Dagdag pa ng gobernador na batay sa resolution ng SP, hindi open pit mining ang strip mining operation ng SMC kung kayat binigyan nila ito ng endorsement.


Samantala, ngayong Pebrero, nakatakdang magtungo sa coal mining area sa Barangay Ned si Governor Tamayo kasama ang mga SP members upang kumustahin ang sitwasyon ng mga residente at upang suriin ang operasyon ng San Miguel kung mayroon itong mga paglabag na posibleng maging batayan sa pagpapatigil sa coal mining operation.


Noong nakaraang linggo, nanawagan si Bishop Casicas kay Governor Tamayo at sa kasalukuyang mga miyembro ng SP sa agarang pagpapahinto sa coal mining operation sa Ned dahil ang strip mining umano ay isang uri ng open pit mining na mahigpit na ipinagbabawal at bayolasyon sa Environment Code.
Hindi rin umano kinonsulta ng kompanya ang mga residente sa naturang lugar kaugnay sa isasagawang pagmimina na labis na nakakasira sa kalikasan at sa tao.

BNFM Koronadal

Recent Posts

1OOK Balor sa smuggled cigarettes nasakmit sa kapolisan atol sa checkpoint.

Nasakmit sa kapolisan ang gibana-banang 100 mil nga balor sa smuggled nga sigarilyo atol sa…

27 mins ago

Graduation Rights sa makarong dag-on dapat maging simple

Maging simple ag makabuluhan ru Graduation Rights it mga estudyante sa pampublikong eskwelahan makarong school…

36 mins ago

26 anyos nga manug-putos ug mangga nahulog patay

Patay ang usa ka lalaking manugputos ug mangga dihang nahulog kini sa punoan diin siya…

1 hour ago

Unang Batch ng SPES 2024 sa Olongapo, magsisimula na sa Hunyo

Magsisimula na ang unang batch ng Special Program for Employment of Students o SPES 2024.…

1 hour ago

Kanhi na preso sa kasong paghupot sa illegal na drugas sikop sa otoridad.

Nasikop sa kapolisan ang kanhi na preso sa kasong paghupot sa illegal nga drugas pasado…

1 hour ago

Phase 1 sang mga CCTV sa Roxas City, ginbida sa pagbukas sang bag-o nga Emergency Operation Center

Madasig na nga marespondehan sang mga otoridad ang mga pumuluyo nga nagakinahanglan sang bulig bangud…

2 hours ago