9th Regional Entrepreneurship Congress, dadaluhan ng mahigit 2,400 kabataan ngayong araw sa Camarines Sur

NAGA CITY – Sinimulan na ngayong umaga ang unang araw para sa 9th Regional Entrepreneurship Congress na gaganapin sa Iriga Sports Complex, sa lungsod ng Iriga.

Dadaluhan ang 2 days congress ng mga local and national guest speakers kung saan tatalakayin nila ang iba’t-ibang entreprenurial skills sa mga kabataan partikular sa mga aspiring entrepreneur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Kristan Carl Malazarte, Executive Vice President ng Camarines Sur Chamber of Commerce and Industry, dahil ika 9 na congress na ito, nakita nila ang malaki at magandang epekto nito sa mga kabataang nagiging kalahok noon na ngayon ay may sarili nang negosyo at baon pa rin ang mga natutunan sa nasabing pagtitipon.

Ngayong taon, inaasahang nasa 2,400 ang dadalo sa nasabing congress galing sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *