Sitwasyon ng AFP at DND, dapat linawin – solons

‘When there’s smoke, there’s fire.’

Ito ang naging pahayag ni Senadora Imee Marcos sa gitna ng mga isyu ng umano’y destabilization sa Armed Forces of the Philippines (AFP), pagpapalit ng AFP chief-of-staff, na sinundan pa ng pagbibitiw sa puwesto ni Department of National Defense officer-in-charge senior undersecretary Jose Faustino Jr.

READ MORE: Jose Faustino, kinumpirmang nag-resign matapos ang re-appointment ni General Andres Centino bilang AFP chief-of-staff

Ayon kay Marcos, kailangan daw itong mapag-usapan nang maigi para masigurong wala nang masusundang resignation o kaya nama’y pagtatanggal-tanggal sa puwesto.

Sa kabila niyan, umaasa pa raw sila na ‘fake news’ pa rin ang napabalitang destabilization.

Umaasa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na walang seryosong dahilan kung bakit mayroong mga ganitong uri ng developments sa Defense Department ng bansa.

READ MORE: AFP, nanindigang hindi na kailangan pa ng ‘loyalty check’ sa mga sundalo

Sa huli, sinabi ni Pimentel na wala siyang nakikitang dahilan paga bumaba ang morale ng Kasundaluhan.

Aniya, dati na ring naging madalas ang balasahan sa AFP leadership na tinagurian ngang ‘revolving door’.

READ MORE:

Sinuportahan naman ni dating senador at dating PNP chief Ping Lacson ang appointment ni Galvez bilang DND Secretary.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lacson na kumpiyansa siya sa kakayanan ni Galvez lalo na’t kritikal ang transition period ng AFP para sa three-year fixed term ng mga top military officials.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *