AFP, nanindigang hindi na kailangan pa ng ‘loyalty check’ sa mga sundalo

Nanindigan si Armed Forces of the Philiippines (AFP) spokesperson Col. Medel Aguilar na sumusunod ang buonag Kasundaluhan sa chain of command at sa Konstitusyon.

Ginawa ni Aguilar ang pahayag sa gitna pa rin ng isyu ng una nang pinabulaanang ‘destabilization’ sa kanilang hanay, pagbabago sa AFP leadership, at ang resignation kahapon ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge senior undersecretary Jose Faustino Jr. sa puwesto.

READ MORE: Jose Faustino, kinumpirmang nag-resign matapos ang re-appointment ni General Andres Centino bilang AFP chief-of-staff

Ayon sa AFP spokesperson, hindi na kailangan pang magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay.

READ MORE: Sitwasyon ng AFP at DND, dapat linawin – solons

Paliwanag niya, masasayang lang ang oras nila kung pag-iisipan pa ang mga ganitong isyu.

Sa ngayon, wine-welcome nila si Peace Adviser Secretary Charlie Galvez bilang bagong kalihim ng DND.

Aniya, subok na ang liderato ni Galvez sa paglaban sa COVID-19 nang magsilbi itong vaccine czar; at ang pagpapanatili niya sa kapayapaan nang pangunahan naman ni Galvez ang Marawi liberation.

Bago ito, una nang pinabulaanan ni DND spokesperson Arsenio Andolong ang napaulat na mass resignation sa kanilang Kagawaran.

READ MORE: Pinagmulan ng memo kung saan pinapapa-heightened alert ang PNP dahil sa umano’y AFP destabilization, tukoy na ng mga otoridad

Napa-ulat kasing matapos ang resignation ni Faustino, nagsipag-bitiw na rin sa puwesto ang iba pang mga DND usecs na mga mistah rin nina Faustino at dating AFP chief-of-staff Lt. General Bartolome Bacarro.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *