Aabot sa 200 kabahayan, napinsala ng Bagyong Jolina sa Bicol; P121.5M pinsala sa agri at impra

BICOL—Umabot sa kabuuang 190 kabahayan ang napinsala sa pananalasa ng Bagyong Jolina sa Bicol region habang umaabot naman sa P121,510,388.15 ang mga naiwang danyos sa sector ng agrikultura at imprastraktura.

Base sa pinakahuling report ng Office of Civil Defense (OCD) Bicol, pinakamarami ang nasirang bahay sa bayan ng Mobo, Masbate na umabot sa 409 kung saan 326 nito ang partially at 83 ang totally damaged.

Sumunod ang bayan ng Uson na may 186 kung saan 142 ang patially at 44 ang totally damaged; 155 naman sa bayan ng Cawayan ang nasira, 146 nito ang partially at siyam ang totally damaged; 60 sa bayan ng Mandaon kung saan 56 ang partially at apat ang totally damaged; 43 sa bayan ng Milagros na pawang partially damaged; 25 sa bayan ng San Fernando kung saan 20 ang partially at lima ang totally; pito sa San Jacinto, lima ang partially at dalawa ang totally damaged; dalawa sa Pio V. Corpuz at isa naman sa Baleno na pawang partially damaged na mga kabahayan.

Ayon sa OCD, sasailalim pa sa validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang ulat hinggil sa mga nasirang bahay ng bagyo.

Samantala, umaabot sa kabuuang P16,548,888.15 ang naitalang pinsala sa mga pananim, hayupan at pangisdaan sa rehiyon base sa ulat ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na karamihan ay naitala sa islang lalawigan ng Masbate na siyang labis na naapektuhan ng bagyo.

Umabot naman sa kabuuang P104,961,500.00 ang pinsala sa local infrastructure kabilang ang mga nasirang kalsada at iba pang mga istruktura. Pero ayon sa OCD, daraan pa ito sa validation ng Municipal at Provincial Engineering Offices ng mga nakakasakop na lugar.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *