Abalos: ‘disturbing’ ang pahayag ng ilang lokal na opisyal sa Prayer Rally sa Cebu

Tinawag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na disturbing ang naging pahayag ng ilang lokal na opisyal sa ginanap na prayer rally sa Cebu City nitong linggo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Abalos na hindi angkop ang ilan sa mga binitawang pahayag ng local officials na nakibahagi sa naturang prayer rally.

Aniya, dapat nagsisilbing halimbawa ang mga opisyal sa kanilang constituents lalo’t nagsisilbi silang kinatawan ng kanilang komunidad.

Dagdag pa ng kalihim, dapat umanong iwasan ng mga opisyal ang paggamit ng mga bastos na pananalita at bitbitin ang sarili ng may integridad, professionalism, at paggalang sa lahat ng mamamayan.

Matatandaang isinagawa ang prayer rally sa Cebu kasabay ng paggunita sa EDSA People Power Anniversary, upang tutulan ang charter change na nais itulak ng kasalukuyang Kongreso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *