Abalos: hahabulin ng batas si dating Cong. Teves saan man ito magtago

Tiniyak ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr. na hahabulin ng batas si dating Negros Oriental Representative Arnie Teves.

Sa isang panayam kay Abalos matapos pangunahan ang clean-up drive sa Malabon, sinabi niyang walang makakaligtas sa hustisya.

Pinaalalahanan din nito ang dating kongresista na hahanapin siya ng mga awtoridad saan man ito magpunta o magtago.

Maaalalang inanunsyo kahapon ng Department of Justice na ipinag-utos ng Manila RTC ang pagkansela sa pasaporte ni Teves dahil sa nagpapatuloy na legal proceedings nito kaugnay sa kinakaharap niyang kasong multiple murder.

Si Teves ang isa sa mga itinuturing nasa likod ng pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *