Editors Pick

Abogado: may para makausap ng ICC ang mga testigo sa Pilipinas kaugnay sa drug war probe

Makakahanap umano ng mga paraan ang International Criminal Court (ICC) para makausap ang mga testigo, sakaling hindi makipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa imbestigasyon kaugnay sa madugong war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay ICC assistant to counsel Atty. Maria Kristina Conti, maari nilang paliparin ang mga testigo sa ibang mga bansa o kunin ang kanilang testimonya sa pamamagitan ng online platforms.

Maliban dito, posible din umano ang pagtatayo ng field office, tulad sa ginawa nila sa ibang African countries.

Sinabi naman ni Conti, na nakakuha na ang ICC ng mga ebidensya para matuloy ang imbestigasyon, at ginagawa na umano ang ilang mga hakbang para ma-preserve ang mga ito.

Dagdag nito, na ginagawa na ng ICC ang prosecutorial process kabilang ang posibleng paghahain ng kaso, habang ang paglilitis ay maaring magtagal ng 10 taon.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

17 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

17 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

17 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

17 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

17 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago