Abogado ni Quiboloy, hindi tatanggapin bilang kinatawan ng televangelist

Nanindigan si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na hindi pa rin niya tatanggapin sa darating na pagdinig ang abogado ni Apollo Quiboloy bilang representante niya.

Pagpapaliwanag ni Hontiveros, halos kase ng akusasyon kay Quiboloy ay personal kung kaya’t ‘unfair’ naman umano kung sa abugado niya ito itatanong.

Dagdag pa niya, sa mga nagdaang pagdinig ay hinahayaan lang ang mga abugado na humarap kung sila ay tatayong resource person tulad nalang ng ginawa ng abugada na member din ng administration ng Jose Maria College.

Pagdidiin pa ni Hontiveros, si Quiboloy lang ang pupuwedeng sumagot sa mga akusasyon laban sa kanya kaya marapat lang na siya ang humarap.

Maalala, naghain na ng subpoena ang Senado kay Quiboloy matapos ang hindi nito pagdalo sa mga naunang pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *