Absolute Divorce Bill, isinalang na sa plenaryo sa Kamara

Isinalang na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 9349 o ang “Absolute Divorce Act.”

Pinangunahan nina Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas at Albay Representative Edcel Lagman na kapwa nagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas ang sponsorship ng panukala.

Ayon kay Brosas, mula noong 13th Congress ay nais na nilang gawing legal ang diborsyo.

Giit nito, napapanahon nang maisabatas ang diborsyo upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-asawa lalo na ang mga naabusong misis na magkaroon ng opsyon na kumawala at maging malaya mula sa hindi na magandang pagsasama.

Idinagdag naman ni Lagman na ang absolute divorce ay kailangan ng mga mag-asawa na nag-collapse na ang relasyon at hindi na kaya pang i-repair, kung saan mayorya ng mga biktima ay mga babae na nakararanas ng kalupitan, karahasan, “infidelity” o pagtataksil at iniiwan.

Umapela si Lagman sa mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang panukalang diborsyo kasabay ng pagpapasalamat kina House Speaker Martin Romualdez at House Majority Leader Mannix Dalipe dahil naiakyat na sa plenaryo ang House Bill 9349.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *