Academic contest, sukatan ng epektibong teaching-learning process ng mga eskwelahan

CAMARINES SUR —  Sukatan ng pagkakaroon ng epektibong teaching-learning process ng mga eskwelahan ang pagiging palaban ng mga estudyante sa iba’t-ibang academic contest and competition, kabilang na ang Battle of the Wise sa Camarines Sur.

Ayon kay Crespin Adayo, ang Principal III  ng  Goa National High School at kasalukuyang board member ng Association of Cam. Sur Secondary Schools Administrator; ang nag-organisa ng isa sa pinakamatagal nang academic contest sa buong Camarines Sur, bagaman hindi madali ang pagbuo ng mga ganitong aktibidad, malaki ang papel na ginagampanan nito hindi lamang sa paghubog ng kaalaman at kakayahan ng mga estudyante kundi na rin sa pagsukat sa kung gaano ka-epektibo ang isang guro o ang mismong teaching strategy ma ipinatutupad ng mga eskwelahan.

Kahapon, Abril 30, 2024, opisyal nang nagtapos ang dalawang araw na Battle Of The Wise para sa Junior at Senior High School sa Naga City na nilahukan ng nasa mahigit limang libong estudyante at nasa dalawang daang eskwelahan sa probinsya ng Camarines Sur. Kabilang sa mga nag-uwi ng unang pwesto ang ilang eskwelahan sa Partido Area, para sa asignaturang English 9 ang Pinaglabanan National Highschool at sa ESP 8 naman, ang Goa Science Highschool at sa ESP 9, ang San Jose National Highschool.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *