Acorda, ‘di rin sang-ayon sa inilabas na travel advisory ng Canada laban sa Pilipinas

Hindi rin sang-ayon si PNP Chief Gen.Benjamin Acorda Jr., sa inilabas na travel advisory ng Canada sa mga citizens nito na pupunta ng Pilipinas partikular sa Mindanao.

Sabi ni Gen. Acorda, mismong ang kamakailan lamang na Gallup Survey ang humirang sa Pilipinas bilang ikatlo sa mga bansang pinakaligtas sa Timog-Silangang Asya.

Gayunman, ginagalang ng PNP Chief ang pahayag ng Canada subalit iginiit nito na nagi-improve ang peace and order situation sa bansa.

Nauna nang pumalag ang National Security Council Adviser Eduardo Año sa advisory at sinabing ang peace situation sa Pilipinas lalo na sa Mindanao, ay greatly improved.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *