Acorda, ikinaalarma ang pagkawala ng case folder ng mga pulis-NCRPO na may kaso

Ikinaalarma ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang ulat ng pagkawala ng ilang case folder ng mga pulis mula sa NCRPO na may kinakaharap na mga kaso kabilang na rito ang sa iligal na droga.

Dahil dito, ipinag-utos na ni Gen. Acorda ang pag-review sa case folder ng mga pulis hindi lang sa NCRPO kundi sa iba pang tanggapan ng PNP sa mga rehiyon dahil posible aniyang hindi lamang ito sa NCRPO nangyari.

Sabi ng PNP chief, nakakaapekto ito sa kanilang integrity enhancement .

Sakaling mapag-alaman na may nagtatago ng record kaya ito nawawala ay mapapanagot ang mga sangkot dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *