Acorda – kinasuhan ang retired AFP Gen na nandawit sa kanya sa destab plot vs admin

Kinasuhan na ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang isa umnaong retired AFP general na gumamit sa kaniyang pangalan at idinawit siya sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na isinampa ni Gen. Acorda ang kasong paglabag sa Cybercrime Law sa QC Prosecutors Office.

Ito’ y dahil sa paggamit sa kanyamg litrato at pagpapakalat ng mga hindi totoong mga impormasulyon na kaiisa sya kasama ang Armed Forces of the Philippines sa planong pagpapatalsik sa pwesto ng Pangulo.

Sabi ni Col. Fajardo, nananatiling tapat, apolitical, professional at intact ang buong hanay ng Pambansang Pulisya.

Nauna nang sinabi ni Gen. Acorda na walang kapatawaran at labis syang nasaktan sa pekeng balita at ginawa lang ng tao na gustong magpasikat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *