Acting Commanding Officer ng 9th Infantry Battalion nagbigay ng mensahe ng pasasalamat sa mga sibilyan kaugnay sa naganap na engkwentro sa pagitan ng kanilang hanay laban sa Teroristang CPP NPA sa bayan ng Labo Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Lieutenant Colonel DENNIS SANTOS, Acting Commanding Officer ng 9th Infantry Battalion kaugnay sa naganap na engkwentro sa pagitan ng kanilang hanay at ng Teroristang CPP NPA sa bayan ng Labo Camarines Norte.

Lubos umano silang nagpapasalamat sa impormasyong ibinigay sa kanila ng mga sibilyan. Isang patunay lamang umano ito ng kanilang pagtakwil sa mga gawain at presenya ng mga Teroristang CPP NPA na mamalagi sa kanilang barangay.

Ang tinutukoy ni Lieutenant Colonel DENNIS SANTOS ay ang naganap na engkwentro sa pagitan ng kanilang hanay at ng CPP NPA na tumagal ng halos limang minuto na naganap sa Sitio Maglinaw, Brgy. Pag-asa, Labo, Camarines Norte nito lamang ika-30 ng Mayo 2023.

Hinihikayat rin Lieutenant Colonel SANTOS ang mga mamamayan na patuloy na makiisa sa kanila, sapagkat hindi umano nila kaya ito ng mag-isa. Aniya, malaki ang maiaambag ng mga sibilyan sa kanilang kampanya sa pagsugpo ng insurhensiya”.

Matatandaan na ang Buong Barangay sa Bayan ng Labo ay nag deklara na ng “Persona Non- Grata” laban sa mga Komunistang Teroristang Grupo sa kanilang lugar upang hindi na makaranas pa ng pangingikil at pagsasamantala sa ordinaryong mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *