Local News

Active cases ng COVID-19 sa Bicol region mas bumaba pa dahil sa mababang daily case at mas mataas na recoveries

BICOL—Mas pang bumaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region dahil sa pagbaba ng mga kasong nadaragdag kada araw habang mas mataas naman ang mga gumagaling.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, umaabot na lamang sa 5,483 o 11.79% ang active cases ng sakit sa kabuuang 46,520 na mga kasong naitala sa rehiyon.

14 na lamang ang mga bagong kasong nadagdag kahapon kung saan pito nito ay mula sa Camarines Sur. Dalawa ang mula sa Libmanan at Naga City at tig-iisa ang Bula, Iriga City at Pili

Anim ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan tatlo ang mula sa bayan ng Daraga at tig-iisa ang Camalig, Guinobatan at Legazpi City.

Isang kaso naman ang naitala sa Sorsogon na mula sa bayan ng Gubat habang zero new cases ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes at Masbate.

Samantala, umabot sa 130 ang mga bagong gumaling kung saan 50 ang mula sa Legazpi City, 30 sa Catanduanes, 28 sa Camarines Norte, 13 sa Naga City at siyam sa Sorsogon. Sa kabuuan ay umaabot na sa 39,311 (84.50%) ang recoveries sa COVID-19 sa Bicol region.

Mayroon naming sampong panibagong kaso ng pagkasawi kung saan siyam ang mula sa Albay at isa sa lungsod ng Legazpi kung kaya pumalo na sa 1,726 (3.71%) ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm

BNFM Bicol

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

26 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

38 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

47 mins ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

50 mins ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

56 mins ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago