Active cases ng COVID-19 sa Bicol, umabot na sa 5.3k; 7 pagkasawi nadagdag ngayong araw

BICOL—Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bicol region na ngayon ay pumapalo na sa 15,941.

195 na mga bagong kaso ang naitala ngayong araw kung kaya tumaas na rin sa 5,395 (33.84%) ang aktibong kaso ng sakit.

Nagtala ng pinakamataas na kaso ang lalawigan ng Albay na mayroong 86 kung saan 36 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 16 sa Tabaco City, 12 sa bayan ng Daraga, anim sa bayan ng Camalig, lima sa bayan ng Oas, tigtatatlo ang mga bayan ng Guinobatan, Manito at Sto. Domingo at tig-isa ang bayan ng Malilipot at Polangui.

Umabot naman sa 55 ang bagong kaso sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan 14 nito ay mula sa Naga City, 12 sa Iriga City, tiglima sa bayan ng Pili at Sagñay, tigdadalawa ang mga bayan ng Bato, Bula at Calabanga at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Buhi, Gainza, Goa, Lagonoy, Libmanan, Magarao, Milaor, Ocampo, Pamplona, Ragay, San Fernando at San Jose.

34 na bagong kaso ang nadagdag sa sa lalawigan ng Sorsogon kung saa 20 nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang bayan ng Juban at Pilar, tigdadalawa ang mga bayan ng Gubat, Irosin at Magallanes at tig-isa ang mga bayan ng Casiguran at Castilla.

20 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan 11 nito ay mula sa bayan ng Daet, tigdalawa ang bayan ng Jose Panganiban at Talisay at tig-iisa ang mga bayan ng Capalonga, Labo, Paracale, Sta. Elena at Vinzons.

Habang zero new case ang lalawigan ng Catanduanes.

Samantala, 72 bagong recoveries ang naiulat ngayong araw kung saan 37 nito ay mula sa Sorsogon, 22 sa Camarines Sur, pito sa lungsod ng Legazpi at tigtatlo ang Catanduanes at Albay.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 10,044 (63.01%) ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Pitong pagkasawi naman ang nadagdag ngayong araw kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon at tig-isa ang Masbate at lungsod ng Legazpi. Dahil dito ay pumalo na sa 502 (3.15%) ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng kagawaran sa mga Bicolano na sundin ang BIDASolusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-Dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-Alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *