Active cases ng covid-19 sa Zambales pumalo na ng higit 600

ZAMBALES- Pumalo na ng 667 ang aktibong kaso ng covid-19 sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay base sa datos kahapon ng Provincial Health Office kung saan ay tatlumpu ang bagong kasong nadagdag sa listahan.

Dahil dito ay umakyat na sa 2,777 ang confirmed cases at mula sa bilang na ito ay 2,052 ang nakarekober at 57 ang nasawi.

Panawagan ng PHO sa publiko na huwag maging kampante dahil hanggang sa kasalukuyan ay problema pa rin ang virus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Symptoms of STRESS Stomach Ache and Increased Acid Reflux Breathing Increased Heart Rate Muscle Pain Heado Headaches Grinding Teeth Y Low Energy Inso mia Power Powr Cells SOYA COFFEE'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *