Aerial resupply mission, kino-consider na

Kinokonsidera ng Pilipinas na magsagawa na lang ng mga aerial mission para muling mag-supply sa BRP Sierra Madre, ang military outpost nito sa Ayungin Shoal.

Ito’y upang maiwasan ang mga agresibong aksyon ng China, kabilang na ang pagbobomba ng mga water cannons sa mga Pilipinong lumalayag sa pinagaagawang teritoro.

Ayon sa assistant director general ng National Security Council na si Jonathan Malaya, isinasaayos na nila ang ilang adjustments sa mga resupply mission nito.

Dagdag pa ni Malaya, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pagsasaayos kasunod ng pinakabagong resupply trip ng Pilipinas sa Ayungin, na sinalubong ng mga water cannon mula sa Chinese Coast Guard (CCG).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *