AFP, binalaan ang mga politiko na huwag magbabayad ng permit to campaign sa NPA

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines na maaring lumabag sa batas ang mga politiko na magbabayad ng permit-to-campaign sa New People’s Army habang papalapit na ang 2022 elections.

Babala ni AFP Spokesperson Edgard Arevalo, ituturing nila na pagsuporta sa teroristang organisasyon ang pagbabayad ng permit-to-campaign o to-win sa NPA.

Iginiit ni Arevalo na makikipag-ugnayan ang militar sa mga local government units at pati na rin sa Philippine National Police para i-monitor ang sitwasyon.

Ipinunto ni Arevalo na meron na silang mga lugar na natukoy na kung saan ay meron mangilang-ngilang grupo ang kumikilos para sa nasabing hangarin.

Mababatid na nakatakdang maganap ang 2022 elections sa May 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *