AFP: C-130 na bumagsak sa Sulu, hindi brand new, pero “very good condition”

Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi brand new ang C-130 aircraft na may tail number 5125 na bumagsak sa Sulu na ikinasawi ng 50 katao, pero ito umano ay nasa very good condition.

Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang C-130 – 5125 ay mayroong halos 11,000 flying hours na natitira bago ang susunod na maintenance nang mangyari ang insidente.

Ang C-130 – 5125 ay dumating sa Pilipinas noong January 29 at sinalubong pa ng mga opisyal ng Air Force sa pamamagitan ng isang seremonya sa Base Operations, Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay.

Isa ito sa dalawang C-130H aircraft na ibigay ng United States government.

Samantala, ipinag-utos na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang “full investigation” sa naturang insidente na ikinokonsiderang isa sa pinaka-worst sa kasaysayan ng militar sa Pilipinas.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong apat na C-130 aircraft, kabilang na ang 5125, kung isa ang grounded kasunod ng insidente, habang may dalawa na sumasailalim sa maintenance sa Portugal at isa dito ay darating sa bansa ngayong buwan. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *