AFP: kabilang ang sinasabing mastermind sa MSU bombing sa napatay sa isang operasyon

Kabilang sa mga napatay ng militar sa operasyon noong Enero ang Amir ng Dawlah Islamiyah – Maute Group na si Khadafi Mimbesa, alyas “Engineer,” ang itinuturing na mastermind sa pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi noong Disyembre

Ito ang kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad.

Base aniya ito sa testimonya ng isang isang High-Value member ng DI-Maute Group na si alyas Khatab, na sumuko kahapon sa 2nd Mechanized Brigade ng Phil. Army.

Ayon kay Trinidad, ang testimonya ni alyas Khatab ang nag-corroborate sa inisyal na impormasyon na kasama si Khadafi Mimbesa sa mga nasawi sa operasyon ng 103rd Brigade ng Phil. Army sa magkasunod na operasyon noong January 25 at 26 sa Lanao del Sur.

Dahil dito, nanawagan ang AFP sa mga nalalabing miymebro ng grupo na sumuko na sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *