AFP muling siniguro ang suporta sa PNP para matiyak ang mapayapang eleksyon sa Mayo

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines ang suporta nito sa Philippine National Police upang masiguro ang mapayapang eleksyon sa Mayo.

Sa isang pulong na ipinatawag ng Commission on Elections sa bayan ng Basud kasama ang mga gurong magsisilbi bilang Electoral Board at Liga ng mga Barangay, sinabi ng kinatawan ng Philippine Army sa lugar na kanilang sinisiguro ang partnership sa PNP.

Nais umano nila na tulad noong nakaraang 2019 ay maidaos ng maayos ang halalan at walang maging problema.

Sa ngayon ay walang nakikitang bantang panseguridad ang mga awtoridad sa naturang bayan na nasa ilalim ng Green category ng election watchlist

Pero dati nang sinabi ng PNP na hindi sila magpapakakampante dahil possible pa ring magkaroon ng conflict sa mismong araw ng halalan.

Umapela rin ang mga kinauukulan sa publiko na makipagtulungan sa kanila para masiguro ang isang maayos at mapayapang halalan.

Magsisimulang mag deploy ng mga tauhan ang PNP sa mga voting center kapag dumating na ang mga VCM sa Mayo 2.

Tiniyak din ng Liga ng mga Barangay ang kanilang suporta sa kapulisan at s amga magsisilbing electoral board.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *