National

AFP, nakakuha ng P183-million na halaga ng armas at equipment mula sa US

Nakatanggap ang Armed Forces of the Philippines ng P183-million na halaga ng mga armas at equipment mula sa Joint US Military Assistance Group-Philippines (JUSMAG).

Ayon sa US Embassy sa Pilipinas, ang mga opisyal ng JUSMAG ang nag-deliver sa equipment na kinabibilangan ng siyam na M3p .50 caliber heavy machine guns, 10 mortar tubes, at iba pa sa Clark Air Base.

Sinabi ng Embahada na layon ng delivery ng equipment na paigtingin ang counterterrorism ng AFP at ang maritime security capabilities nito.

Iginiit ni JUSMAG chief Colonel Stephen Ma na patuloy na susuportahan ng Estados Unidos ang capacity building efforts ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng joint training at military equipment transfers.

Noong Abril ay napag-usapan ng AFP at JUSMAG ang management and response sa sitwasyon sa Philippine exclusive economic zone.

Inihayag naman ng Embahada na nagawa ng US na makapagbigay ng mahigit P48.6-billion security assistance sa bansa simula pa noong 2015, na dahilan kung bakit ang Pilipinas ngayon ang itinuturing na largest recipient ng US military assistance sa Indo-Pacific region.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago