National

AFP, nanawagan sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang pagsugpo laban sa mga terorista

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Coronel Ramon Zagala na ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang pagsugpo sa mga terorista sa bansa.

Ayon sa kanya, malaki ang naitulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC sa ilalim ng administrasyong Duterte na sinimulan noong 2018.

Sinabi ni Zagala na shared responsibility ang pagsiguro sa seguridad ng bansa at hinihikayat niya ang publiko na ipagbigay alam ang anumang impormasyon ukol sa terorismo.  

Kasama sa designed peace process ang 40,000 na mga teroristang nais magbalik-loob at isuko ang kanilang armas sa mga awtoridad.

Tutulungan umano silang mabigyan ng ilang programa ng gobyerno katulad ng hanap-buhay upang unti-unting bumalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Samantala, muling magsasama ang AFP at sundalong Amerikano sa 37th Balikatan Exercise na ginagawa kada taon bilang paghahanda sa posibleng banta laban sa Pilipinas at para sa humanitarian assistance. (ARGIE ERGINA)

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago