AFP: Pag leave ng WESCOM chief, walang kaugnayan sa new model agreement na pinalutang ng China

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na walang kinalaman sa pinalutang na new model agreement ng China kaugnay sa Ayungin shoal ang paghahain ng personal leave ni AFP Western Command chief, Vice Admiral Alberto Carlos.

Ito ang binigyang-diin ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla kasunod ng kaniyang pagkumpirma na nag-leave epektibo ngayong araw si Carlos.

Matatandaan na tila nakaladkad ang pangalan ni Carlos matapos na palabasin ng China na sinang-ayunan umano ng Western Command ang “new model” agreement nito sa Ayungin shoal na may pahintulot umano ng mataas na opisyal ng naturang pamahalaan.

Ngunit paglilinaw ni Col. Padilla na walang kaugnayan sa naturang isyu ang pagli-leave ni Carlos.

Sinabi ni Padilla na kailangan lang talaga magtalaga ng pansamantalang hahali sa kaniyang pwesto dahil kritikal ang nasasakupan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *