AFP, pumalag sa mga paratang ng China sa Pilipinas

Pumalag ang Armed Forces of the Philippines sa paratang ng China na Pilipinas ang nagsisimula ng gulo sa West Philippine Sea.

Ganito rin ang giniit ng Philippine Coast Guard na hindi kapanipaniwala ang mga imbentong kuwento ng China.

Ito ay matapos lumabas ang mga kumentaryo sa Chinese State Media na ang bansa pa mismo ang paulit-ulit ang na nanghihimasok sa teritoryo ng China sa West Philippine Sea.

Giit ng China na nagkakalat ng maling impormasyon at nakikipagsabwatan sa ibang bansa para magsimula ng gulo ang Pilipinas.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, sumusunod lang ang Pilipinas sa International Law at hindi rin gumagawa ng hakbang na maglalagay sa panganib ng iba hindi tulad ng ginagawa ng China.

Sa patuloy na pag-igting ng tensyon sa WPS siniguro naman ng AFP na patuloy na kumikilos ang sandatahang lakas para palakasin ang defense posture ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *