AFP, walang imbestigasyon sa nag-leave na WESCOM Chief na si Vice Adm. Carlos

Nire-respeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang leave of absence ni Vice Adm. Alberto Carlos bilang pinuno ng Western Command.

Sa ambush interview sa pagtatapos ng Balikatan exercise, nilinaw ni AFP Spokesperson Col Francel Margareth Padilla na hindi nila iniimbestighan si Carlos.

Ayaw na kasi nilang patulan pa ang mga naratibo ng China sa West Philippine Sea lalo at wala namang basehan ang kanilang mga report at wala silang mapagkakatiwalaang source.

Giit ni Padilla, nais na nilang umusad sa iba pang mas importanteng isyu na kinakaharap ng bansa.

Samantala, kaugnay naman sa statement of support ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989 kay Vice Admiral Carlos, sinabi ni Padilla na normal lang ito para sa isang military class kapag nadadawit sa isyu ang kanilang kasamahan.

Nabatid na nag file ng leave of absence si Carlos sa gitna ng issue ng audio recording na hawak umano ng Chinese embassy sa “new model” arrangement na napag usapan ng Chinese official at isang military official.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *