Agcriculture group – kinalampag ang DA at BPI hinggil sa bentahan ng sibuyas online

Umapela ang grupong SINAG sa Gobyerno na mahigpit na bantayan at aksyunan na ang nangyayaring bentahan ng mga sibuyas online.

Una na kasing na-monitor ng grupo ang hanggang sa P25 na halaga ng sibuyas online – luging-lugi kung ikukumpara sa benta ng mga local farmers.

Dahil dito, napipilitan umanong ibagsak din ang farmgate price ng ating mga magsisibuyas.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay SINAG executive director Jayson Cainglet – sinabi nitong dapat ay may maayos na imbentaryo ang Department of Agriculture at ang Bureau of Plant Industry.

Sa ganitong paraan – ‘di raw tayo magi-import nang magi-import lalo na kung panahon pa ng anihan sa bansa.

Umapela rin ito na dagdagan pa ang mga cold storages at patakbuhin na rin ito ng mga lokal magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *