Agnostic policy ng DOH, walang masyadong epekto sa Olongapo

OLONGAPO-Naniniwala ang City Health Office ng Olongapo na hindi makakaapekto sa dami ng gustong magpabakuna sa lungsod ang agnostic policy ng Department of Health o ang hindi pag-aanunsyo kung anong uri ng bakuna kontra covid-19 ang nakatakdang iturok.

Ito ay dahil sa kasalukuyan ay dalawa lang naman ang mga brand ng bakuna ang naging available sa lungsod.

Ayon kay Dr. Doods Bustamante, hindi gaanong problema sa Olongapo kung iaanunsyo na astrazeneca o sinovac ang ipantuturok dahil di naman isyu sa lungsod kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.

Sa oras na may dumating na bagong brand gaya ng pfizer, naniniwala si Bustamante na hindi pa rin ito magiging dahilan ng hindi maiiwasang pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites para magpabakuna. // Christian Andres- BNFM OLONGAPO

PHOTO FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY

May be an image of 1 person and text that says 'nigari にがり Liquid minerals 98% are ABSORBABLE. 2bottles 20mL NATURAL nigari にがり MINERALS FOOD MENT niga にがり MINERALS DROPS NOAPPROVED APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS BFAD No. 54832'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *