Agresibong information drive ng ‘No Registration, No Travel’ policy – ipinag-utos na

Naglatag na ng order si Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza na paigtingin pa ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga motorista hinggil sa ‘No Registration, No Travel’ policy.

Matatandaan kasing may ilang linggo ring naging maluwag ang LTO sa panghuhuli rito, pero kamakailan lamang ay nag-full-force ulit ang implementation ng batas.

Ayon kay Mendoza – inatasan niya na ang lahat ng mga regional directors at district office heads na palakasin ang information campaign para rito.

Sa ganitong paraan umano ay mahihikayat pa ang mga motorista, lalo na ang mga unregistered pa rin ang kanilang mga sasakyan, na magparehistro na.

Kung maaalala – sa huli nilang datos ay kakarampot lamang ng mga sasakyan sa kalsada ang rehistrado sa LTO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *