Agricultural Training, ipagkakaloob sa mga OFWs sa Taiwan

Higit 100 mga overseas Filipino workers (OFWs) naka-base Taiwan ang makakasama sa internship program na magbibigay ng extensive learning pagdating sa moderno at epektibong paraan ng rice at vegetable farming, at ng iba pang agricultural products.

Ito ay kasunod ng pagkakalagda sa isang memorandum of understanding ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) at AgriGaia Social Enterprise, na siyang magpapahintulot sa mga Filipino workers sa Taiwan na umattend sa naturang training sa Kaohsiung.

Nakasaad sa MOU na layunin ng training na mapalawak ang training para sa mga magsasakang Pilipino sa AgraGaia Farm, upang makasabay ang mga ito sa bagong paraan ng pagsasaka.

Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello III, pagdating ng panahon ay maaaring magamit at maibahagi ng sektor ang kanilang mga natutunan at pagsasana sa Pilipinas.

Available ang programang ito sa mga OFWs para sa kanilang free time o days off, o kaya naman ay para sa may mga work contract na nag-expire na, maging sa mga nakatakda nang umuwi ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *