Ahas na pumasok sa bahay sa isang Subdivision sa Naga, nahuli ng City Veterinary Office

NAGA CITY – Nasa pangangalaga na ngayon ng Provincial Enviromental and Natural Resources Office – PDENR Camarines Sur ang isang Brown Rat Python o sawa na nahuli sa loob ng bahay ng mag-asawang Perfecto Real ng Jimenez Park Subd. Concepcion Pequeña sa Naga City.

Ang naturang ahas ay nahuli matapos na sumaklolo ang ilang personahe ng City Veterinary Office kabilang na si Josielyn Niangar, Admin Aide 1 na siyang nanguna sa pag-rescue sa mag-asawa na sobrang natakot ng makita ang sawa sa loob ng kanilang bahay.

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga itong si Niangar at kanyang ikinuwento ang nangyari, kung papano nakapasok ang ahas sa bahay ng mag-asawa at kung papano nila ito nahuli .

Wala namang diumanong kamandag ang ahas dahil sa sawa ito na kumakain lamang ng mga daga at iba pang insekto, nanlilingkis ito bago niya kainin ang kanyang biktima.

Ang mga personahe ng Naga City Veterinary Office ay nag-training pa sa ganitong sistema ng pag-rescue at kung papano manghuli ng mga ahas.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *