AI chatbot kan DTI para sa mga consumer, inilunsad na sa Albay

LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay katuwang ang Albay Consumer Network ang isang Artificial Intelligence (AI) Chatbot, Gabay sa Tamang Reklamo (GAB) na makakatulong para sa consumer complaints handling resolution sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DTI Albay OIC Provincial Director Noel Bunao, sinabi nito na layunin ng GAB na mapadali ang pagpapadala ng mga specific concerns o jurisdiction direkta sa partikular na ahensya ng gobyero.

Ayon kay Bunao, nabuo ang proyekto matapos makatanggap ng maraming bilang ng complaints na hindi na sakop ng ahensya, kung kaya, ang konseptong ito ay upang makapagbigay impormasyon sa mga consumer base sa kanilang concern.

Dagdag pa rito, patuloy ang pagsulong sa nasabing plataporma para sa mas epektibo at madaling komunikasyon.

Samantala, maaaring bisitahin ang kanilang website, kung saan makikita an AI Chatbot para sa mga katanungan o anumang concerns. | Brigada Intern RICHELLE ASTOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *