Aktibidad ng Bulkang Taal, mahigpit na binabantayan

Mahigpit na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang aktibidad ng Bulkang Taal.

Ito ay matapos ma-detect ang “low level activity” sa bulkan noong Biyernes, kung saan na-detect ang mahina at mababaw ngunit tuloy-tuloy na pagyanig.

Nagkaroon din ng pagtaas sa average na paglabas ng sulfur dioxide (SO2).

Ayon kay Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, may mga ulat ng volcanic smog dahil sa tumaas na emission ng SO2.

Dahil dito, posible ang biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.

Kaya pinapaalalahanan ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan na manatili sa bahay, o magsuot ng protective mask kapag lalabas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *