Aktibista arestado sa umano’y pagtatago ng pasabog at baril sa Naga City; grupo nito iginiit na planted ang ebidensya

NAGA CITY- Arestado ang 22-anyos na aktibista sa Naga City, Camarines Sur matapos na umanong makunan ng baril, bala at pasabog sa tahanan nito.

Nitong Linggo mag aalas-sinco ng umaga , isinilbi ng mga otoridad sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Camarines Sur katuwang ang PNP Naga ang search warrant laban sa Spokesperson ng Jovenes Anakbayan-Bicol na si Maria Jesusa alyas “Sasah” Sta. Rosa ng Villa Obiedo Subd. Barangay Cararayan. Nakapalaan ang kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act na inilabas ni Hon. Vice Executive Judge Edgar L. Armes ng RTC Legazpi City na may petsang Mayo 1, 2021.

Sa paghalughog kasama ang mga witness nakuha ng mga otoridad ang baril, mga bala, hand grenade, improvised explosive device, mga dokumento kasama ang pulang bandila na bagong hugbong bayan, t-shirt na mayroong nakaprint na “rebolusyon hindi eleksyon”, librong Batayang Kurso ng Partido at ilan pa .Ayon sa PNP Bicol, tuloy ang anti-criminality efforts.

Para naman sa grupo ni Sasah at sa Bagong Alyansang Makabayan, kwestyonable ang madaling araw na operasyon ng PNP, hindi tama ang proseso ng pagsisilbi ng search warrant at planted ang ebidensya.

40-minuto ang paghalughog habang nasa labas ang pamilya. Paglabas umano ng mga ototidad dala na ang isang bag na laman ang baril, granada at pulang bandila.

Maghahain ang kampo ni Sasah ng “motion to quash” dahil dito. Ayon naman sa PNP Naga, inaasahan na nila na ganito ang magiging pahayag ng grupo.

Samantala, para sa Unibersidad kung saan nag-aaral ang naturang spokesperson ng Jovenes Anakbayan, siya ay isang magaling na lider, ilang beses nang nakita ang kakayahan nito sa paaralan.

23223223 Comments60 SharesLikeCommentShare

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *