Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur umakyat na sa 24

NAGA CITY- Umakyat na sa 24 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Sur matapos ang ilang linggong walang active cases. Dalawa ang nadagdag kahapon; mga residente ng Sta. Rosa Del Norte Pasacao at San Roque, Camaligan na parehong hindi alam ang exposure.

Ang mga bilang na ito ay nagdala na sa kabuuang kasong 16, 987. 630 ang nasawi habang 16,333 ang gumaling na.

Samantala, sa Pasacao na may bagong naitalang tinamaan ng virus sinabi ni Municipal Risk Reduction and Management Officer Edmer Miravalles na inaalam pa nila kung saan ito nakuha dahil labas-pasok na ang mga tao sa bayan, marami pang turista dahil ikinukunsiderang Summer Capital ng lalawigan.

Dagdag ni Miravalles na kahit na may mga nagsasabing wala nang COVID-19, sunusunod pa rin naman sa health protocols tulad  ng pagsusuot ng facemask . Ang malaking challenge aniya ay ang pagbabakuna. Dahil kasi sa pagluwag ng restrictions, hindi na required ang vaccination card sa ilang mga establishments hindi lamang sa Pasacao kundi sa ibang bahagi ng Camarines Sur.

Kaya patuloy ang paghihikayat nila upang mapigilan ang muling paglobo ng tinatamaan ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *