Aktibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes, nasa 108 na lang; recoveries, patuloy na nadaragdagan

BNFM BICOL—Nasa 108 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Provincial Health Office as of February 6, 2022.

Ang naturang bilang ay mula sa kabuuang 3,139 na mga naitalang kumpirmadong kaso ng sakit sa probinsya habang pumalo na rin sa 2,904 ang bilang ng mga gumaling.

Samantala, nananatili naman sa 128 ang death toll ng sakit sa probinsya makaraang walang maidagdag sa fatalities halos dalawang linggo na ang nakakaraan.

Kaugnay nito, ang bayan na ng San Miguel ang may pinakaramaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan na mayroong 18; sinundan ito ng bayan ng Virac na may 16; 15 sa Pandan; 14 sa Bato; pawang 12 ang aktibong kaso sa San Andres at Caramoran habang nasa siyam naman pababa ang mga active cases sa iba pang mga natitirang bayan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *