Aktor na si Tony Labrusca, inakusahan ng panghahalay at pananakit

Nahaharap ang aktor na si Tony Labrusca sa mga kasong kriminal dahil umano sa pangmomolestya sa isang babae at pananakit umano sa isang lalaki habang nasa impluwensya ng alak, limang buwan na ang nakaraan.

Sinabi ng legal counsel ng complainants na si Regie Tongol na tinanggal ni Labrusca ang strap ng pang-itaas ng babae na dahilan para ma-expose ang dibdib nito.

Kalaunan ay hinila umano ng aktor ang babae sa may baywang nito upang pilitin itong maupo sa kanyang hita noong January 16.

Naihain ng babae ang dalawang kaso ng aggrevated acts of lasciviousness laban kay Labrusca nitong Biyernes lamang.

Ang isa naman complainant, na kapatid ng negosyante na si Drake Ibay, ay naghain ng aggravated slight physical injuries laban sa aktor dahil sa pananakal sa kanya nito na nangyari sa parehong gabi.

Sinabi ni Tongol na base sa salaysay ng apat na witnesses ay nakainom na ng alak si Labrusca bago mangyari ang mga nasabing insidente.

Tumanggi naman magkomento ang abogado ni Labrusca na si Joji Alonso mula sa mga alegasyon hanggang hindi pa nila natatanggap ang pormal na kopya ng mga reklamo.

Pero umapela naman si Alonso sa publiko na huwag munang husgahan ang aktor na base lamang sa mga alegasyon at unfounded claims.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *