Aktres na si Jacyln Jose – pumanaw nang dahil sa atake sa puso

Atake sa puso ang ikinamatay ang aktres na si Mary Jane Santa Ana Guck, ‘o mas kilala sa screen name na Jacyln Jose.

Ito ang kinumpirma sa isang pulong balitaan ng kaniyang anak na si Andi Eigenmann.

Sa pulong balitaan, sinabi niyang nakaranas si Jaclyn Jose ng myocardial infarction.

Nagpasalamat naman si Andi sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya.

Kinilala rin niya ang legasiya ng kaniyang ina sa larangan ng sining.

Sabi pa ni Andi – ang mismong buhay ni Jaclyn ang kaniyang ‘greates obra maestra’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *