Alaska, pormal nang nagpaalam sa PBA; Talo sa NLEX

Pormal nang nagtapos ang Alaska Aces’ 35-season run sa Philippine Basketball Association (PBA), Sabado ng gabi, kung saan natalo sila ng NLEX Road Warriors sa quarterfinals ng 2021 PBA Governors’ Cup.

Kaugnay nito, pumasok ang Alaska sa playoffs bilang No. 7 seed matapos ang 6-5 slate sa elimination round, at underdog laban sa No. 2 NLEX (8-3).

Nabatid na kailangan matalo ng Aces ang Road Warriors, para manatili sa conference, pero hindi na nila nagawa dahil sa 96-80 defeat.

Ang Road Warriors naman, nakabawi mula sa kanilang pagkatalo noong Miyerkules, at nakuha ang last spot sa Governors’ Cup Final 4, kasama ang top seed Magnolia, No. 4 Meralco at No. 6 Barangay Ginebra.

Ang naturang resulta ay marka ng pagtatapos ng pakikilahok ng Alaska sa professional league.

Matatandaan na noong Pebrero, inanunsyo ng team na ang Governors’ Cup ang magiging final conference ng franchise sa PBA. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *