Albay Agri-Fiesta 2024, nakatakdang isagawa ngayong araw kaugnay ng nagpapatuloy na Magayon Festival

LEGAZPI CITY – Nakatakdang isagawa ngayong araw ang Albay Agri-Firesta Livestock Fair 2024 ayon sa Albay Veterinary Office (AVO) at Albay Provincial Agriculture Office (APAO) sa AFBVille Compound, Cabangan, Camalig, Albay.

Ayon sa AVO, magkakaroon dito ng talakayan na ibabahagi ng mga feed companies, livestock raisers associations at Bureau of Animal Industry (BAI) patungkol sa pag-aalaga ng mga manok, baboy, kambing at kuneho.

Ayon naman sa APAO, magkakaroon ang kanilang opisina ng mga serye ng pagsasanay para sa Pili at Cacao Industries, Agar wood production, at marami pang iba.

Magkakaroon rin ng harvest festival ang APAO na tinatawag na “pick-and-pay” sa Boang, Tabaco City na inaasahang dadaluhan ng mga magsasaka at mangingisda ng Albayano.

Ayon sa dalawang opisina, ito umano ay isa sa mga hakbangin ng mga tanggapan upang ipagdiwang at bigyan ng karangalan ang mga magsasaka at mangingisda sa Albay sa pamamagitan ng iba’t ibang exhibits at mga programa sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *