Albay Gov. Lagman, binigyang-diin ang 5-point agenda sa kauna-unahang ManCom hearing na isinagawa ng SP

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin ni Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman ang kaniyang 5-point agenda sa kanuna-unahang Management Committee Hearing na isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan sa Sta. Magdalena, Sorsogon.

Sa ipinalabas na impormasyon, dinaluhan ito ng 28 department at assistant heads.

Ibinahagi ng gobernador ang kaniyang 5-point agenda para sa lalawigan na nakatuon sa probisyon ng mga serbisyong pangkalusugan, produksyon ng pagkain, seguridad maging ang kaligtasan ng publiko at promosyon ng turismo at digitalisasyon.

Ipinaabot din naman ng ilan sa mga dumalo ang kanilang pakikiisa sa layunin nitong makapaghatid ng serbisyo at maabot ang hangarin sa nasabing agenda.

Maliban pa rito, siniguro rin ng ilang mga departamento na ang bawat programa, proyekto at mga aktibidad ay mananatiling nakaayon sa layunin at prinsipyo ng sanggunian.

Sa ngayon, siniguro rin ni Lagman na akma ang kaniyang mga hakbangin upang maisaalang-alang ang pinakakailangang tutukang isyu sa lalawigan at para sa ikabubuti ng mga Albayano. | WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *