Local News

Albay, nakapagtala ng 21 bagong kaso ng COVID-19; 8 buwang gulang na sanggol, kabilang sa mga nagpositibo

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng 21 bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Albay kahapon, Mayo 17 ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Sa tala ng tanggapan, kabilang sa mga nagpositibo ay ang isang walong buwang gulang na sanggol na lalaki mula sa Tabaco City kasama ang dalawa pang mga indibidwal; 7 ang naitala sa Daraga; 4 sa Legazpi; tig-2 sa Bacacay at Malinao; habang tig-isa sa Camalig, Guinobatan at Oas.

Sa kaparehong datos, karamihan sa mga nagpositibo ay naka-quarantine, habang ang iba naman ay admitted.

Wala namang naitalang bagong pagkasawi dahil sa naturang sakit.

Paalala ng tanggapan, palaging sundin ang ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat nito.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

10 hours ago